Tumugon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagpuna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa hindi pagtanggal sa posas at hindi pagpayag ng mga jailguards na makapanayam ng media ang detained activist na si Reina Mae Nasino.
Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, paiimbestigahan nila ang ipinatupad na security protocol ng mga tagabantay ni Nasino nang pansamantala siyang pinalabas para makadalaw sa burol ng yumao niyang anak na si baby River.
Tiniyak naman ng BJMP na ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang protektahan ang kapakanan ng lahat ng Person Deprived of Liberty (PDL).
Nag-iingat lang aniya ngayon ang mga staff ng mga jail facilities dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.
Facebook Comments