BJMP, ikinalugod ang pagkilala ng DepEd sa suporta nito sa national education agenda

Ikinatuwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagkilala ng Department of Education (DepEd) sa pagsisikap ng ahensya na itaguyod ang national education agenda ng gobyerno.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, magsisilbing inspirasyon nila ang pagkilala ng DepEd upang pag-ibayuhin ang pagkakaloob ng basic education sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ilalim ng Alternative Learning System Program (ALS) sa mga jail facilities.

Ayon kay Iral, may kabuuang 18,708 PDL ang nagbebenipisyo sa ALS program ng BJMP.


Nitong Nobyembre, nakapagpatapos ang “Tagapangalalaga ko, Guro Ko” Program ng 2,499 PDL sa elementary, 3, 414 sa junior high school, at 2, 395 sa senior high school.

Nakapagpagraduate rin ang BJMP ng mga PDL sa ilalim ng College Behind Bars Program.

Mula sa 84 na PDL na nag-avail ng tertiary education, anim ang nagtapos sa kolehiyo.

Facebook Comments