Mahigit 150 mga bata, mabibigyan ng munting regalo ng Metrobank employees at RMN Foundation ngayong araw

Tinitiyak ng RMN Foundation katuwang ang Metrobank, Inner Wheel Club of Las PiƱas & Environs District 383, 93.9 iFM Manila, DWWW 774 at DZXL 558 Radyo Trabaho na makakarating ngayong pasko ang shoe gift box sa 150 hanggang 200 mga bata.

Ayon kay RMN Foundation OIC Patrick Aurelio 11 araw na lang, Pasko na at bilang pasasalamat sa ika-10 taong selebrasyon ng Radio Mindanao Network (RMN) Foundation at ika-70 anibersayo ng RMN Netwoks ngayon taon, inihahandog ang RMN Christmas Project 2022 sa mga batang naapektuhan ng Bagyong Paeng noong October sa Calauan, Laguna.

Paliwanag ni Aurelio, nasa 150-200 na bata ang mabibigyan ng shoe gift box mula sa Metrobank employees ngayong araw.


Bukod dito, magkakaroon din ng feeding program, parlor games at puno ng kasiyahan para sa mga bata.

Ito ay taunang Christmas project ng RMN Networks sa pamamagitan ng RMN Foundation na makapagbigay ng ngiti, saya, pag-ibig at pag-asa sa mga tao.

Facebook Comments