BJMP, may go signal na sa pagtatayo ng bagong city jail sa Payatas

Manila, Philippines – May go signal na ang Bureau of Jail Management And Penology mula sa pamahalaang panglunsod ng Quezon sa pagtatayo ng bagong city jail sa Payatas.

Niratipikahan na kasi ng Quezon City Council ang deed of use of fract o kasulatang nagbibigay ng pahintulot sa BJMP na magtayo ng mga imprastruktura sa lote na pag-aari ng Quezon City.

Libreng ipapahiram ng Quezon City government ang nasa 2.4 hectares na bakanteng lote sa payatas para dito na mailipat ang kasalukuyang city jail na nasa Kamuning.


Sa ngayon ay nasa 3,000 mga preso ang nagsisiksikan sa kamuning jail kahit na 800 inmates lang ang kakasya rito.

Matatandaang lumabas pa nga sa international media ang kalunos-lunos na kalagayan ng mala-sardinas na kulungan sa Kamuning.

DZXL558

Facebook Comments