BJMP, nag-inspeksyon para masiguro ang kahandaan ng mga jail facilities sa pagsalubong sa Bagong Taon

Nag-ikot ngayong araw sa jail facilities ng National Capital Region (NCR) si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral.

Layon nito na masiguro ang kahandaan ng kanilang mga pasilidad ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinamahan siya ni BJMP-NCR Regional Director Jail Chief Supt. Luisito Muñoz.


Partikular na siniyasat ni Iral ang kalagayan ng mga person deprived of liberty.

Nakalagay ngayon sa red alert status ang mga pasilidad ng BJMP sa bansa.

Sa ngayon, pinapayagan ang “paabot” ng mga dalaw sa kanilang mga mahal sa buhay habang bukas pa rin ang linya ng kanilang komunikasyon gamit ang e-Dalaw o electronic visitation.

Nagpaalala ang hepe ng BJMP sa mga personnel nito na huwag maging kampante pagdating sa COVID-19 lalo ngayong magpapalit na ang taon.

Dapat aniyang tiyaking mahigpit ang pagpapatupad ng mga health at security protocol sa jail facilities.

Binigyang-diin din ni Jail Director Iral sa kaniyang mga tauhan na panatilihin ang disiplina lalo na ang patas na pagpapatupad ng mga regulasyon sa pasilidad.

Kumpiyansa ang BJMP chief na mapapanatili ang zero incident ng COVID-19 sa mga pasilidad at opisina ng BJMP.

Facebook Comments