BJMP, naghahanap ng 2,000 na bagong jail officers

Manila, Philippines – Inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang online campaign nito para sa paghahanap ng mga bagong jail officers.

Tinawag ang online campaign na One on one para sa bayan
upang magbigay kamalayan sa publiko.

Ayon kay BJMP Jail director Deogracias Tapayan, maari nang aplayan ang nasa 2,000 na bakanteng posisyon para sa Jail Officer 1.


Anyon kay Tapayan, bukas ang oportunidad sa mga young professionals na gustong pasukin ang jail management profession.

Ayon kay Tapayan, ang jail officer 1 ay entry positions sa BJMP na may kitang P35,448 kada buwan.

Ayon naman kay BJMP Community Relations Service Office Head Jail Chief Inspector Xavier Solda, sa mga interesado ay pwedeng dalawin ang official website ng BJMP na www.bjmp.gov.ph.

Ito ang pinakamalaking recruitment para sa Jail Officer 1 na ginawa ng BJMP sa loob ng tatlong dekada.

Ang mga applicants ay kinakailangan na may Baccalaureate degree, may civil service eligibility o eligibility sa Professional Regulations Commission (PRC), nasa edad na mula 21-anyos pero hindi lalampas ng 30-anyos.

May taas na 1.62 meters sa kalalakihan at 1.57 meters sa kababaihan.

Facebook Comments