BJMP, nagkasa ng surprise drug test sa mga opisyal

Nagsagawa ng surprise drug test ngayong araw ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga matataas na opisyal at tauhan nito na nakatalaga sa National Headquarters.

Ito’y bilang suporta sa kampanya laban sa iligal na droga ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Ipinag-utos ni BJMP Chief Allan Iral ang pagsasagawa ng drug testing pagkatapos mismo ng flag-raising ceremony na ginanap sa Main Conference Room ng BJMP-NHQ.


May kabuuang 467 tauhan ang sumailalim sa drug testing na pinangangasiwaan ng Directorate for Health Service ng BJMP-NHQ.

Bagama’t naging negatibo naman ang resulta ng sorpresang drug test, pinaalalahanan ng BJMP chief ang mga matataas na opisyal na hindi siya magdadalawang isip na sampahan sila ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga mapapatunayang sangkot sa illegal drug trade.

Facebook Comments