Kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba ng 9% sa nakalipas na linggo

Mula January 2 hanggang January 8, 3,127 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 447.

Ito ay mas mababa ng 9 percent kumpara sa mga kaso noong December 26 hanggang January 1.


Sa mga bagong kaso, pito sa mga ito ang malubha at nasa kritikal na kalagayan.

79 naman na COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments