BJMP, patuloy pa ring tinutugis ang 93 na presong nakatakas sa kulungan sa Marawi City

Marawi City – Nasa 93 inmates pa na nakatakas sa dalawang kulungan sa Marawi City ang patuloy na tinutugis ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay BJMP spokesman Chief Insp. Xavier Solda – nagpakalat na siya ng trackers team sa buong bansa para mahuli ang mga nakatakas na preso.

Nakipag-ugnayan na rin ang BJMP sa mga kaanak ng mga inmate para kumbinsihin ang mga ito na sumuko.


Matatandaang kabilang sa mga unang inatake ng Maute Group noong May 23 ay ang Marawi City Jail at Malabang District Jail kung saan 107 preso ang kanilang pinatakas.

Labing-apat dito ang nahuli na ng mga otoridad.

Facebook Comments