Limang miyembro ng pamilya, patay sa pananaksak sa Bulacan

303

Bulacan – Patay sa pananaksak ang limang miyembro ng isang pamilya sa Barangay Sto. Cristo sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kabilang sa mga nasawi ang ina na si Estrella Dizon, tatlo nitong anak na edad 13, 11 at isang taong gulang at isang lola.

Kagagaling lang sa kanyang trabaho bilang gwardiya ang hindi na pinangalanang padre de pamilya nang bumugad sa kanya ang tadtad sa saksak na katawan ng kanyang mag-iina.


Ayon kay San Jose Del Monte City P/ Supt. Fritz Macariola – walang nakitang senyales ng sapilitang pagpasok sa bahay ng mga biktima pero posibleng pinagsamantalahan ang lola at si Dizon.

Naniniwala naman ang padre de pamilya na kakilala lang nila ang suspek.

Sa ngayon, blanko pa ang mga otoridad sa motibo at suspek sa krimen.



Facebook Comments