BJMP personnel, ido- donate ang bahagi ng kanilang sahod sa COVID-19 efforts ng gobyerno

Ilalaan na rin ng lahat ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang bahagi ng kanilang sahod sa COVID-19 efforts ng gobyerno.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, simula sa susunod na buwan, ido-donate ng mga jail officers na may ranggong Jail Officer 1 pataas ang 1.5% ng kanilang buwanang sahod.

Inaasahan naman na makalilikom ito ng abot sa ₱7.23 million para suportahan ang COVID-19 efforts.


Ang malilikom na pondo ay ipapasakamay ng BJMP sa Office of the Civil Defense.

Maging ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa lahat ng jail facilities sa bansa ay tumutulong na rin sa paglaban sa COVID-19.

Ito’y sa pamamagitan ng paggawa ng libreng face shields at iba pang protective equipment para sa mga frontline health workers.

Facebook Comments