BJMP, tiniyak na bantay sarado si Zaldy Ampatuan sa kinalalagyan niyang ospital

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa ospital kung saan ginagamot si Zaldy Ampatuan.

Nauna rito, naospital si Ampatuan dahil sa Cardio Vascular Disease Infarct Secondary to Cardiac Dysrythmia

Si Zaldy Ampatuan ay isa sa pangunahing akusado sa Maguindanao massacre noong 2009.


Bagamat tumangging sabihin kung saang ospital Naka confine si Ampatuan, sinabi ni BJMP spokesperson Xavier Solda na  oras- oras  ang pagbabantay kay Ampatuan.

Ibat ibang team mula sa Special Tactics and Response ng NCR national headquarters ang nagpapalitan sa pagbabantay.

Aniya, As per last medical bulletin, nasa stable condition na si Zaldy Ampatuan.

Facebook Comments