MPD, tiniyak ang mas mahigpit na seguridad sa huling araw ng bar examination sa Linggo

Mas paiigtingin pa ng Manila Police Dristrict ang seguridad sa loob at labas ng University of Santo Tomas sa Linggo kung saan isinasagawa ang Bar Examination.

Kaugnay ito ng inaasahang pagdagsa muli ng mga tagasuporta ng mga kumukuha ng Bar exam.

Ayon sa MPD, mahigpit nilang ipatutupd ang City Ordinance na nagbabawal sa pag inom ng alak sa mga pampublikong lugar, pagbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga menor de edad at iba pang ordinansa na maaring makaabala sa pagdaraos ng Bar examinations.


Ayon sa MPD, magdadagdag din sila ng deployment ng mga police personnel sa bisinidad ng UST para sa mas malawak na police visibility.

Sa huling Linggo ng Nobyembre o sa a-24 ang ika apat at huling araw ng bar exam para sa mahigit walong libong law graduates

Facebook Comments