BJMP URDANETACITY NAGBABALA: PAG-AAPPLY SA AHENSYA AY LIBRE—WALANG BAYARAN!

Naglabas ng paalala sa publiko ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Urdaneta City na ang lahat ng aplikasyon para maging BJMP officer ay LIBRE at hindi kailanman nangangailangan ng anumang bayad.

Ang anomang alok na may kasamang bayad para sa mabilisang proseso o guaranteed slot ay panlilinlang at labag sa batas.

Ayon sa BJMP, ang opisyal na recruitment process ay may mahigpit na pamantayan at sumusunod sa mga legal at tamang pamamaraan. Kabilang sa mga hakbang sa aplikasyon ang:
Pagsumite ng online application sa opisyal na recruitment portal ng BJMP, Pagsusuri ng mga dokumento at kwalipikasyon, Pisikal na pagsusuri at medikal na check-up,Written examination at oral interview at Background check at clearance verification.

Tiniyak ng ahensya na ang proseso ay transparent, pantay para sa lahat, at nakatuon sa kalidad ng kandidato at hindi sa kakayahang magbayad.

Hinimok ng BJMP ang publiko na maging maingat at i-report sa pinakamalapit ng opisina ng tanggapan o sa official hotline ang sinumang nag-aalok ng bayad kapalit ng trabaho sa ahensya.

Ayon sa kanila, ito ay hindi lamang panloloko, kundi maaari ring may kasamang kriminal na pananagutan ang mga nagtatangkang mang-scam.

Dagdag pa, nagbibigay rin ang BJMP ng orientation at impormasyon sessions sa mga interesado sa serbisyo upang mas maunawaan nila ang proseso, mga benepisyo, at responsibilidad ng pagiging bahagi ng ahensya.

Facebook Comments