Black Friday protest, ikinasa ng iba’t-ibang grupo bilang pagkondena sa media harassment

Manila, Philippines – Nagtipon-tipon ang iba’t-ibang grupo para sa isinagawa nilang Black Friday protest hinggil sa media harassment sa bansa.

Isa sa mga protesta ay ginawa sa Don Alejandro Roces Park, sa Quezon City.

Kabilang sa mga dumalo ay mga miyembro ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), LODI, BAYAN, Bayan Muna, ACT Teachers at iba pa.


Nakiisa rin sa protesta si Rappler CEO Maria Ressa na inaresto noong Miyerkules (February 13) dahil sa kasong cyber libel; mga reporter at staff ng media entity.

Giit ng mga nagprotesta, dapat nang ibasura ang cyber libel na nagagamit para i-harrass o takutin ang mga mamamahayag.

Iginiit din ng mga ito na dapat nang itigil ng administrasyong Duterte ang anumang uri ng pag-atake sa mga miyembro ng media na may mga karapatan din dahil sila ay mga tax payer din.

Facebook Comments