Black Friday protest, ikinasa ng ibat – ibang grupo kaugnay sa isang buwan ng deklarasyon ng martial law

Manila, Philippines – Nakasuot ng kulay puting mga damit at ribbon na puti at itinali sa kanilang mga braso, nagtipon-tipon muna sa Plaza Miranda ang grupo ng Bagong Alayansang mabakabayan at youth sector na Anakabayan bago nagmartsa patungong Mendiola.

Sinabi ng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayang na ang kanilang pagkilos ay bahagi ng black Friday protest.

Ipinapanawagan ng grupo na alisin na ni pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao at pangunahing iginigiit ng grupo na itigil na ang aerial bombing sa Marawi City.


Isang programa ang isinagawa nila sa Mendiola kung saan susunugin nila mamaya ang replika ng helicopter at mga bomba sumisimbolo sa nawasak na kabahayan,kabuhayan sa Marawi City.

Facebook Comments