MANILA – Kasado na ang isasagawang “Black Friday Protest” bukas ng mga anti-Marcos group upang igiit ang kanilang pagkontra sa biglaang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).Magtitipun-tipon ang lahat ng mga grupong kontra Marcos sa Quirino grandstand ganap na alas-4:00 ng hapon na susundan ng mga inihandang programa.Kasunod nito, tiniyak ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maluwag ang gobyerno sa mga kilos-protesta laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Sa kanyang pagdating kagabi mula sa peru, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na hahanapan ng permit ang mga magra-rally at hayaan na lamang kaysa magkagirian sa mga pulis.Habang isinasagawa ang kanilang kilos-protesta, sinabi ng Pangulo na mananatili sa kanilang kampo ang mga military forces at ilang police personnel lamang din ang ide-deploy.
Black Friday Protest Ng Mga Anti-Marcos Group Bukas, Plantsado Na – Permit Sa Gagawing Rally, Hindi Na Hihingin Ng Gobye
Facebook Comments