Mariing kinokondena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ang tinaguriang corporate greed ng Manila Water na itinuturong dahilan ng kasalukuyang krisis sa tubig.
Ilang araw naring nakararanas ng mahina hanggang sa walang tubig sa buong service area ng Manila Water.
Ayon sa Bayan ang Manila Water ay kumita ng P6.5 bilyon noong 2018 at nakapagpataw pa ito ng P6.50/cubic meter water rate hike.
Giit ng grupo sa halip na bumuti ang serbisyo, hindi nakaagapay ang supply sa lumalaking demand bunga ng expansion ng Manila Water kung kaya at ang mga consumers nito ang nagdurusa.
Kaugnay nito magsasagawa ng Black Friday protest ang Bayan at iba pang kaalyadong grupo kontra Manila Water dahil sa nararanasan ngayong water crisis.
Facebook Comments