NBI, hindi muna papasok sa imbestigasyon sa brutal na pagpatay sa teenager sa Cebu

80

Wala pang direktiba si Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI para pumasok sa imbestigasyon sa brutal na pagpatay sa grade 9 student sa Cebu.

Ayon kay Guevarra, hahayaan muna nila ang lokal na pulisya sa Lapu-Lapu na magsagawa ng imbestigasyon.

Kapag nakita aniya nila na nahihirapan ang local police ay saka papasok sa imbestigasyon ang NBI.

Sa isyu naman ng pagbabalik sa death penalty kasunod ng naturang insidente, inihayag ni Guevarra na hihintayin na lamang niya  na konsultahin siya ng Kongreso sa sandaling may magsumite na ng panukalang batas hinggil dito.

Facebook Comments