MANILA – Inaabangan na mamaya ang black friday protest ng mga anti-Marcos group para ipahayag ang pagtutol sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Sa interview ng RMN kay National Union of Student Council of the Philippines (NUSP) Head, Kevin Castro, hindi karapat-dapat na mailibing ang dating pangulo dahil sa mga kinasangkutan nitong kontrobersiya.Dagdag pa ni Castro, maituturing na insulto sa kasaysayan ang naturang paglibing.Nanindigan din si Castro, hindi madaling maghilom ang naiwang sugat ng rehimeng Marcos.Ganap na alas-4:00 ng hapon ay magsasama-sama ang mga grupo kontra marcos sa iba’t-ibang lugar sa bansa na magsusuot ng kulay itim sa na susundan ng programa.
Facebook Comments