Black operation laban kay Pangulong Duterte, ibinunyag ni Solicitor General Jose Calida

Manila, Philippines – Ibinulgar ni Solicitor General Jose Calida na mayroong grupo na tinawag na black operation para sirain ang imahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na presscon sa tanggapan ng SolGen ibinunyag ni Calida na ang Yellow o dilawan ang isa sa mga grupong nais na siraan ang Administrasyong Duterte, pagkatapos isa pang grupo na kulay puti o white at ngayon ay grupong pula o makakaliwang grupo at nakisawsaw din umano ang clergy.

Paliwanag ni Calida, lahat ng mga grupo na planong pabagsakin ang administrasyon Duterte ay hindi magtatagumpay dahil makukulong umano silang lahat.


Dagdag pa ni Calida, bukod sa naturang mga grupo mayroon din umanong mga dayuhang nagpopondo upang sirain ang imahe ni Pangulong Duterte.

Una rito magsasampa ang Solgen ng kasong perjury laban kay Senador Antonio Trillanes IV dahil maraming pangalang ibinigay sa bangko habang pwede namang mapatalisik sa pwesto si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang dahil sa fake news kung saan itinanggi ng AMLC na nagbigay sila ng dokumento sa Ombudsman.

Facebook Comments