Black Sand Mining, Kinokondena ng mga Cagayano!

Tuguegarao City, Cagayan – Mariing kinokondena ng mga Cagayano ang mga Dredging Activities sa bayan ng Aparri, Cagayan kasabay ng lumabas na facebook post ni Fr. Ranhilio Callangan Aquino na Black Sand Mining ang ginagawa sa nasabing lugar.

“Flying over Cagayan River…” Photo courtesy of Harry Florida.

Trending ngayon ang mga larawan at video na kuha at inupload ni Mayor Harry Florida sa kaniyang social media account na kaniyang isinalarawan na isang “Flying over Cagayan River” kaugnay sa ginagawang dredging activity.


Umani ng ibat-ibang reaksyon ang nasabing mga post at mariing kinondena ng mga Cagayano na isang problema ang nasabing pagmimina na maaaring makaapekto sa kalikasan.

Samantala, itinanggi naman ng kampo ni Governor Mamba ang paratang na may Black Sand Mining sa Cagayan batay sa naging pahayag ni Rogie Sending, ang pinuno ng Cagayan Provincial Information Office at tagapagsalita ng gobernador.

Ayon kay Ginoong Sending, inaprubahan ang dredging alinsunod sa plano ng Gobernador na idredge ang Cagayan River upang mapaganda pa ang daungan ng Aparri kasabay aniya ito ng kanyang programa na ‘CAGANDAng CAGAYAN.

Facebook Comments