BLACK SATURDAY | 17,315 na mga pasahero sa pantalan, naitala ng PCG

Manila, Philippines – Umabot na sa 17,315 na mga pasahero sa mga pantalan ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Black Saturday.

Pinakamalaki ang bilang ng mga pasaherong naitala sa Central Visayas na may 7,575 na sinundan naman ng Western Visayas na may 3,192 na pasahero.

Nasa 290 naman ang naitala sa mga pantalan sa Bicol region habang 107 sa Eastern Visayas.


Sa ngayon ayon sa PCG passenger assistance centers, wala pa namang naitatalang mga aksidente sa mga oras na ito,

Inaasahang mas darami pa ang mga pasahero sa susunod na mga oras.

Facebook Comments