TRAHEDYA | 9-anyos na batang babae, patay matapos malunod

103

Oriental Mindoro – Patay ang isang 9-anyos na batang babae matapos malunod sa isang ilog sa Calapan city sa Oriental Mindoro kahapon, Biyernes Santo.

Ayon kay Calapan City Public Safety Department (PSD) Chief Choy Aboboto, nakilala ang biktima na si Princess Madrigal, residente ng Sitio Abaton, Barangay Parang.

Alas-3 kahapon nang makatanggap ang Calapan City PSD ng report na may nawawalang bata sa Abaton river dahilan kaya agad silang nagsagawa ng search operation.

Umabot ng dalawang oras bago matagpuan ang katawan ni Madrigal na lumulutang.

Facebook Comments