Blackout sa Oriental Mindoro, ibinabala ng isang kongresista

Nagbabala si Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng mangyari sa Oriental Mindoro ang nangyaring blackout sa Occidental Mindoro.

Ito ay kung hindi agad aaksyon ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa nagbabadyang power outages kahit pa may ilalabas ang National Power Corporation (NPC) na P100 million na fuel subsidy para sa power suppliers.

Ayon kay Zarate, ang ‘power situation’ sa dalawang lalawigan ay pareho lamang maliban sa ang power providers sa Oriental Mindoro ay hindi pa nagsa-shutdown.


Kung hindi aniya kikilos agad dito ang NPC at Energy Regulatory Commission (ERC) partikular sa pagbibigay agad ng fuel subsidy, asahan na ang ‘total blackout’ sa lalawigan sa hinaharap.

Tinukoy pa ng kongresista na kamakailan lang ay nabigo ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na i-secure ang fuel supply mula sa suppliers sa loob at labas ng lalawigan dahilan kaya kinapos sa suplay ng kuryente ang Oriental Mindoro at pinangangambahang mauwi ito sa blackout kung hindi agad maagapan.

Facebook Comments