PNP, muling nagpaalala sa mga magsasagawa ng kilos-protesta sa inagurasyon ng susunod na pangulo ng bansa

107

Ginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang karapatan ng mga magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung rerespetuhin din nila ang karapatan ng ibang mga mamayan sa kapayapaan at kaayusan.

Ito ang paalala ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, kasabay ng pagbibigay diin na mandato ng PNP na tiyakin na hindi makaka-abala sa ibang tao ang pagpapahayag ng saloobin ng mga grupong may lehitimong hinaing.

Panawagan ni De Leon sa mga magsasagawa ng kilos-protesta, huwag nang magpilit na lumapit sa National Museum inauguration site, dahil mayroon na aniyang mga freedom park tulad ng Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.


Malaya aniya silang magtipon dito na wala ng permit, pero mayroong mga naka-deploy na Civil Disturbance Management (CDM) units upang pigilan sila kung magtatangkang lumabas sa kanilang “designated area”.

Pakiusap ni De Leon, may mga dayuhang bisita sa aktibidad at nanonood ang buong mundo sa makasaysayang kaganapan, kung kaya sana ay panatilihing maayos at mapayapa ang pagpapahayag ng saloobin.

Facebook Comments