Blackouts Sa Mindanao, Pinangangambahang Magpatuloy Hanggang Eleksyon

MANILA – Nagpahayag ng pangmba si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa No Electricity, No Election scenario sa Mindanao.Ayon kay Recto, marami ang nangangamba na aabot hanggang sa Eleksyon ngayong mayo ang malawakang blackout na nagaganap ngayon sa ilang bahagi ng Mindanao.Kapag nangyari ito ay Tiyak aniyang malaki ang epekto nito sa pang-kabuuang resulta ng halalan dahil may 12.5 milyong botante ang nakarehistro sa Mindanao na sapag para makapagnalo o makapagpatalo ng kandidato sa pagkapangulo.Ipinaliwanag ni recto na Dikit ang laban ngayon sa pagpili ng susunod na Pangulo kaya Malaki ang epekto sa botohan kahit isang malaking rehiyon lamang o kahit malaking siyudad ang hindi makaboto.Dahil dito ay iginiit ni Recto sa pamahalaan na pakilusin na ang dalawang Task Forces na binuo ng Malakanyang para masiguro na sapat ang suplay ng kuryente hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa lahat ng parte ng bansa.Ang tinutukoy ni recto ay ang inianunsyo Energy Secretary Zenaida Monsada na ilang ahensya ng pamahalaan ang naatasan ng Pangulong Aquino para buuin ang Power Task Force Election (PTFE) at Inter-Agency Task Force on Securing Energy Facilities (IATFSEF).

Facebook Comments