Bladed Weapon sa Paggawa ng HandiCradfts, Nakumpiska sa Bilangguan

Cauayan City, Isabela- Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Vizcaya ang ilang bladed weapon na ginagamit para sa handicraft ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Provincial Jail.

Ayon kay IAV Armenio Gaudia, Provincial Officer, PDEA Nueva Vizcaya, ito ay bahagi ng isinasagawang ‘OPLAN GALUGAD’ sa mga bilangguan para matiyak na walang makakapasok na mga kontrabando at mapanatili ang kaayusan sa mga kulungan.

Ayon pa kay Gaudia, nag-ikot na rin ang iba pa nilang tauhan sa Solano District Jail subalit hindi na sila pinahintulutan oang makapasok sa lugar dahil sa mahigpit na utos ng pangrehiyong tanggapan na pansamantalang hindi muna tatanggap ng mga bisita para maiwasan ang banta ng COVID-19.


Samantala, napipintong maideklara bilang ‘Drug Cleared’ Municipality ang Bayan ng Kasibu, Sta. Fe at Kayapa subalit kakailangan ang iba pang requirements gaya ng pagtatayo ng sariling ‘Bahay Silangan’ para sa rehabilitasyon ng mga nalulong sa iligal na droga.

Una nang naideklarang ‘drug cleared’ ang 6 na bayan sa lalawigan matapos ang kaliwa’t kanang bentahan ng droga sa lugar.

Facebook Comments