Positibo ang Department of Education (DepEd) na kayang-kayang simulan ang blended learning sa bansa sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, isang nakapagandang development sa larangan ng edukasyon ang pagkaka-develop ng Coronavirus vaccine sa abroad gayundin ang unti-unting pag-ahon ng ekonomiya ng bansa.
At kung sakaling magkaroon na ng bakuna sa Pilipinas sa Disyembre, tamang-tama rin aniya ito para sa inaasahang pagpapatupad ng limited face-to-face learning sa 2021.
Ipinagmalaki rin ni Briones na naabot na ng DepEd ang target enrollment nito kung saan umabot na sa 22.3 milyong mag-aaral ang nagparehistro.
Samantala, sa August 10, ilulunsad ng DepEd ang pagbubukas ng school year gamit ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo sa gitna ng COVID-19 pandemic.