Bloc voting, paiiralin ng Visayan bloc sa Kamara sa pagboto ng susunod na speaker

Manila, Philippines – Nagkaisa ang Visayan bloc sa Kamara na magsagawa ng block voting para sa ihihirang na speaker sa 18th Congress.

Ayon kay outgoing Negros Occidental Representative Albee Benitez, lider ng Visayan bloc sa Kamara, ito ang consensus na nabuo sa kanilang pagpupulong kamakailan na paiiralin ang ‘bloc voting’.

Magiging batayan sa kanilang pagpili ng ihihirang na susunod na speaker ay ang kakayahan na pagkaisahin ang Kamara at makakatrabaho ng maayos ng Ehekutibo.


Magkakaroon pa ng susunod na pulong ang Visayan bloc sa Hulyo at dito ay ilalatag nila ang kanilang selection criteria para sa karapat-dapat na mahalal na speaker ng Kamara.

Inaasahan na mula sa 41 ay tataas pa sa 47 na bilang ng mga miyembro ang Visayan bloc sa 18th Congress.

Facebook Comments