Sekyu na Nagbanta at Nanutok ng Baril, Arestado!

*Aurora, Isabela*- Arestado ang isang lalaki matapos magbanta at manutok ng baril sa Brgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Florante Velasco, 31 anyos, isang Security Guard, may asawa at residente ng Brgy. Eden, San Manuel, Isabela habang kinilala naman ang biktima na si Dominador Magtuto, 44 anyos, may asawa at residente naman ng Brgy. San Jose, Alfonsolista, Ifugao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Aurora Police Station, pasado alas dos ng hapon, Hunyo 5, 2019, habang abala sa trabaho ang biktima ay bigla na lamang dumating ang suspek at tinutukan ng baril ang biktima na may kasamang pagbabanta.


Agad namang nagsumbong ang biktima kasama ang kanyang amo sa himpilan ng pulisya na agad namang nirespondehan ng mga otoridad.

Sa pagtugon ng mga pulis ay naaktuhan ang suspek na may hawak na isang Caliber 38 na may apat na bala na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Aurora ang suspek na mahaharap sa kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 o Omnibus Election Code.

Facebook Comments