Blood banks, nakararanas na ng supply shortage, ayon sa DOH

48

Nagkukulang na ang supply ng dugo sa blood banks lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natatakot nang magtungo sa mga ospital ang mga tao para mag-donate ng dugo dahil sa banta ng COVID-19.

Humihingi na ang DOH ng blood products mula sa ibang rehiyon na may mababa o walang kaso ng COVID-19.

Tiniyak ng DOH sa publiko na ligtas pa ring mag-donate ng dugo sa kabila ng pandemya.

Facebook Comments