Suspected mastermind ng kambal na pagsabog sa Jolo, nasa Patikul, Sulu ayon sa WesMinCom

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP WesMinCom) na ang hinihinalang mastermind sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na si Mundi Sawadjaan ay naiipit sa Patikul, Sulu.

Noong Sabado, ang 3rd at 5th Scout Ranger Battalion ay nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang si Sawadjaan sa Barangay Kabbon Takas kung saan dalawang ASG member at isang sundalo ang namatay, habang pitong sundalo ang sugatan.

Ayon kay WesMinCom Chief Major General Corleto Vinluan Jr., hindi makatakas si Sawadjaan dahil marami ang presensya ng mga sundalo sa Patikul.


Posibleng kasama ni Sawadjaan si Abu Sayaff Leader Radullan Sahiron.

Magpapatuloy ang pursuit operation laban kay Sawadjaan at sa kaniyang grupo hanggang sa mahuli ang totoong nasa likod ng pambobomba sa Jolo.

Facebook Comments