Blood donation drive, inilunsad ng Philippine Red Cross at We Love U Foundation

47

Tuloy pa rin ang adhikain ng Philippine Red Cross (PRC) na makatulong na matugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa bansa.

Ito ay matapos maglunsad ng isang blood donation drive ang PRC sa We Love U Foundation na top provider ng dugo sa PRC National Headquarters sa Mandaluyong City nitong huling linggo ng Setyembre.

Sa tulong ng staff mula sa PRC Blood Services, aabot sa 46 na indibidwal ang matagumpay na nakapag-donate ng kanilang dugo upang maibigay pa sa apat na nangangailangan nito.


Katuwang na ng PRC noong 2019, misyon ng We Love U Foundation na makatulong sa pagpapa-unlad ng kagalingan ng mga kababayang naghihirap tulad ng mga bata, kababaihan, senior citizen, may kapansananan, biktima ng sakuna, refugees sa 64 na bansa sa buong mundo.

Facebook Comments