Dating Sen. Marcos, may 24 oras para makapili ng magiging running mate

393

Binigyan ni dating Sen. Bongbong Marcos ng 24 oras ang kaniyang sarili para makapili kung sino ang kaniyang magiging running mate sa 2022 elections.

Ayon kay Marcos, mayroong siyang dalawang opsyon.

Ito ay kung ia-adopt si vice presidential candidate Senator Christopher Go o pumili mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP).


Gayunman, isasanguni pa rin niya sa kaniyang partido na PFP ito para sa agarang desisyon.

Una nang binalak ni Marcos na i-adopt si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang partido bilang running mate pero umatras itong sa pagtakbo bilang bise presidente.

Facebook Comments