Blood donation drive ng Phil. Army, naging matagumpay

Nakalikom ang Philippine Army ng 24,841 blood bags sa isinagawang blood donation drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa nasabing bilang, 6,316 blood bags ang nagmula sa aktibong personnel at 18,525 blood bags ang nagmula naman sa reservists at iba pang donors.

Ang blood donation drive ay isinagawa noong Linggo sa 171 collection center sa buong bansa sa pangunguna ng Phil. Army sa tulong ng iba’t ibang chapter ng Philippine Red Cross, mga pribado at pampublikong ospital at Department of Health (DOH).


Ang mga nalikom na dugo ay gagamitin para matiyak ang blood reserve ng bansa sa panahon ng matinding pangangailangan.

Samantala, ayon kay Phil. Army Chief Lt. General Roy Galido, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat, maraming buhay ang maisasalba.

Facebook Comments