Bumaba ang nakolektang donasyong dugo ng Department of Health (DOH) dahil sa epekto ng pandemya.
Ayon kay DOH National Voluntary Blood Services Program Manager Marites Estrella, noong 2020 ay nasa 1,041,037 unit ang kanilang nakolekta kumpara sa 1,312,399 units at 1,384,662 units na nakolekta ng gobyerno noong 2018 at 2019.
Aniya, malaki ang naging epekto sa programa ng mga ipinatupad na lockdown, limitadong transportasyon, takot na mahawaan ng COVID-19 at iba pa.
Para tugunan ang sitwasyon, sinabi ni Estrella na nag-aalok sila ng libreng shuttle para sa donors, pag-iisyu ng blood donor pass, nagsasagawa ng mobile blood donation program at maglulunsad ng Facebook donation tool na magagamit para sa mga nais magbigay ng dugo.
Facebook Comments