Blood Olympics ng 91 Barangay sa City of Ilagan, Isinasagawa!

City of Ilagan, Isabela – Isinasagawa ngayong araw ang Blood Olympics ng siyamnapu’t isang barangay sa City of Ilagan.

Ayon kay ginoong Reynold “Nong” Lora, ang City Administrator Officer ng Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan na kasama sa naturang aktibidad ang None Government Organizations o NGO’s, iba’t ibang ahensya at mga empleyado ng City Government ng Ilagan.

Sinabi pa ni ginoong Lora na nasa kaparehong proseso ang gagawin sa mga magdodonate ng dugo at humiling narin umano sila ng karagdagang tauhan mula sa Cagayan Valley Medical Center upang mas mapabilis ang Blood Olympics.


Ipinaliwanag pa ni ginoong Lora na kada-quarter ng bawat taon ay isinasagawa ang naturang aktibidad kung saan ay kukunin dito ang may pinakamataas na bilang ng donors bawat araw napagtatagisan ng lahat ng barangay sa Ilagan at mabibigyan ng gantimpala pagkatapos ng taon.

Ipinagmalaki pa ni ginoong Reynold Lora na ang pinakamaraming donors at pinakaaktibong barangay sa mga nakaraang blood Olympics ay ang barangay Santa Isabel Sur at inaasahan na mapapanatili ang pangunguna nito sa naturang aktibidad.

Samantala nabigyan ng Sandugo Award ang City of Ilagan sa buong bansa sa larangan ng blood donations na hindi naniningil sa mga nangangailangan ng dugo kung saan ay pinapapalitan lamang ang mga dugo na mula sa kanilang blood station o blood bank.

Facebook Comments