Bloodless anti-drug campaign ng pamahalaan, hindi babaguhin sa kabila ng nasabat na higit ₱13-B na shabu sa Batangas

Hindi babaguhin ng administrasyong Marcos ang bloodless anti-illegal drug campaign nito sa kabila ng nasabat na record-high na ₱13.3 billion na halaga ng shabu sa Batangas.

Sa ambush interview, sinabi ng pangulo na ito ang pinaka-angkop at mabisang diskarte sa paglaban sa iligal na droga kaya hindi niya ito babaguhin.

Kung titingnan aniya, ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nasamsam ng pamahalaan kung saan wala ni isang namatay at walang nangyaring putukan.


Tumanggi naman si Pangulong Marcos na idetalye ang kanilang ginagawang istratehiya.

Gayunpaman, tiniyak nito na tuloy-tuloy lang ang operasyon at intelligence gathering ng pamahalaan para mapuksa ang mga sindikato at mapahinto ang kalakalan ng iligal na droga sa Pilipinas.

Facebook Comments