Bloomberg’s COVID Resilience Index ranking ng bansa, tumaas ngayong buwan

Tumaas ang ranking ng bansa sa Bloomberg’s COVID Resilience Index ngayong buwan.

Mula sa ika-53, tumaas sa ika-50 pwesto ang bansa pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemya sa gitna ng pagtaas ng kaso bunsod ng Omicron variant.

Nakakuha ang Pilipinas ng 51.8 na score dahilan para maungusan natin ang Russia, Hong Kong at Pakistan na nasa 51 hanggang 53 pwesto.


Kabilang sa mga naging batayan ng Bloomberg ay ang virus containment, healthcare quality, vaccination, pangkalahatang mortality at international travel restrictions.

Ang Bloomberg’s COVID Resilience Index ay buwang assessment kung paano epektibong natutugunan ng isang bansa ang pandemya.

Facebook Comments