Pagdaraos ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, naging mapayapa

Wala naitalang masamang pangyayari o aktibidad ang Manila Police District (MDP) sa paggunita ng EDSA People Power Revolution kahapon.

Ayon sa MPD, naging tahamik at mapayapa ang paggunita sa ika-36 na anibersyo ng EDSA People Power Revolution sa lungsod at wala umanong silang namonitor na anumang pagkilos o aktibidad sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Tinutukan ng MPD ang España malapit sa Welcome Rotonda at ang tapat University of Santo Tomas (UST) sa lungsod.


Samantala, nagsagawa naman ng candle lighting vigil ang mga cause oriented groups sa People Power Monument sa Quezon City.

Facebook Comments