Blue alert status, nanatiling nakalatag sa Maynila kaugnay ng binabantayang bagyo

Nananatili sa blue alert status ang lokal na pamahalaan ng Maynila base pa rin sa kautusan ni Mayor Honey Lacuna.

Ayon kay Atty. Princess Abante, ang tagapagsalita ng alkalde, nakahanda na ang lahat ng mga ahensya ng kanilang tanggapan habang handa na rin ang lahat ng emergency and disaster equipment.

Maging ang mga evacuation center ay kanila nang isinaayos kung saan ang food boxes ay naka-stand by na para sa mga maapektuhan naman ng kalamidad.


Ipinakalat na din ng Manila Local Government Unit (LGU) ang mga awtoridad sa mga lugar na malapit sa baybayin o coastal area ng dagat gaya ng Baseco at iba pa.

Ito’y para sa posibilidad na paglikas upang maiwasan na mapahamak ang mga residente na nakatira sa nabanggit na lugar.

Paliwanag pa ni Atty. Abante, bagama’t hindi man direktang tatamaan ang lungsod ng Maynila, nais pa rin nilang makasiguro na ligtas ang lahat habang mabilisan din ang pagtugon sa posibleng epekto ng Bagyong Betty.

Facebook Comments