Mga krimen na posibleng mangyari sa pananalasa ng bagyo, babantayan ng PNP

Tinututukan din ng Philippine National Police (PNP) ang epekto ng Bagyong Betty.

Ayon kay PNP Public Information Officer Chief Police BGen. Red Maranan, mahigpit na ipatutupad ng PNP ang law and order sa mga lugar na posibleng hagupitin ng bagyo.

Ani Maranan, titiyakin nilang walang mangyayaring looting o mga manloob sa mga bahay na iiwan ng mga magsisilikas.


Kasunod nito, tiniyak din ng opisyal na walang mangyayaring human rights violation at mapangangalagaan ang mga sektor ng kababaihan, kabataan at senior citizens.

Aniya, may ipinakalat din silang mga tauhan sa evacuation sites.

Facebook Comments