Wala pa ring magbabago sa alerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kahit tapos na ang pananalasa ng bagyong Tisoy sa Bansa.
Sa ulat ng NDRRMC mananatili pa rin ang kanilang blue alert status dahil sa nagpapatuloy na SEA Games.
Kinakailangan aniyang matiyak na mabilis ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon.
Bukod dito ay kinakailangan ding makaresponde ang kanilang emergency team sakaling may mga biglaang insidente.
Samantala, sa ulat pa ng NDDRMC at batay sa report sa kanila ng Department of Health o DOH, mayroon ng mahigit 200 atleta na naglalaro sa SEA Games ang nagpakunsulta dahil sa sama ng pakiramdam.
Kadalasan sa mga pinapa-check up ang soft tissue injuries, upper respiratory tract infection, pananakit ng ulo at high blood.