
Isinusulong ang blue tourism roadmap para pagsamahin ang blue economy at marine tourism upang palakasin ang ekonomiya ng bansa.
Nagpulong ang iba’t ibang grupo upang pag-usapan ang komprehensibong stratehiya para sa isang inklusibong blue economy.
Ito ay pinangunahan ng FVR Legacy Initiative at Philippine Rural Reconstruction Movement.
Ito ay may temang “The Philippine Blue Economy: Moving forward” kung saan dumalo ang stakeholders at resource persons mula sa iba’t ibang sektor.
Tinalakay ng workshop ang apat na isyu ng blue economy—ang fisheries, aquaculture at marine-based na mga produkto, Energy, Maritime Transport at Coastal and Marine Tourism.
Isa sa mahalagang bahagi ng blue economy ang pag-usbong ng coastal at marine tourism na layong gamitin ang resources para sa paglago ng ekonomiya habang tinitiyak ang pangangalaga ng mga marine ecosystem.
Bukod sa nais nitong manghikayat ng turista, layon din nitong itaguyod ang awareness at conservation efforts.
Ayon sa stakeholders, lubos na kailangan ang blue tourism code o roadmap na magbibigay ng pangmatagalang direksyon sa coastal at marine tourism.
Iginiit naman ni Department of Labor and Employment – Institute for Labor Studies Senior Officer Joe Mari Francisco na kakailanganin ang suporta ng gobyerno upang magawa ito.
Ang nangyaring dayalogo ay suporta sa The Blue Economy Act na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso, kabilang din dito ang National WPS Day at Center for West Philippine Studies.