
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang binayaran sa kanilang training ang mga Filipino domestic worker na na-upskill sa Malta bilang caregivers.
Ayon kay Migrant Workers Undersec. Patricia Yvonne Caunan, ang naturang Pinoy caregivers ay nagtatrabaho na ngayon sa mga ospital sa Malta.
Sinabi ni Caunan na bukod sa caregivers at nurses, kumukuha na rin ang Malta ng Pinoy skilled workers.
Kabilang dito ang chef, waiters, machine operators gayundin ng accountants at bus drivers.
Sa ngayon, 12,000 ang Pinoy workers sa Malta.
Facebook Comments