BM Butch Mangalao ng Apayao at Pulis, Patay sa Pagguho ng Lupa

*Cauayan City, Isabela-* Patay ang isang Board Member at isang pulis matapos itong matabunan ng gumuhong lupa dahil sa patuloy na pag-uulan sa bahaging bulubundukin ng Barangay Dibagat, Kabugao, Apayao.

Una rito, nagpasya ang dalawa na pansamantala munang magpahinga sa bahay ng nagngangalang Padu Pugyao dakong 8: 00 kagabi ng hindi inaasahan ay biglang nagkaroon ng pagguho hanggang sa natabunan ang dalawa.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Butch Mangalao, Board Member ng Apayao Province at P/Cpl.Rommel Bunay Gumidam, nasa tamang edad at miyembro ng PNP Calanasan Municipal Police Station.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt.Col. Roderick Condag, tagapagsalita ng Apayao Police Provincial Office, natabunan ang dalawa matapos silang mai-stranded sa patuloy na pagguho ng lupa mula sa kabundukan na sanhi ng pag-uulan sa naturang lugar.

Ayon pa kay Lt.Col. Condag, sinubukan pa umanong iligtas ng mga residente sa naturang barangay ang dalawa subalit wala ng buhay ng maiahon ng mga ito mula sa maputik na dumagan sa kanila na gumuhong lupa.

Sa ngayon ay pansamantalang nakalagak sa bahay ng isang residente ang mga labi ng dalawang biktima.

Facebook Comments