Cauayan City, Isabela- Maghahain ng resolusyon si Nueva Vizcaya Board Member Elma Pinao-an-Lejao na humihimok sa mga matatandang miyembro ng Indigenous People sa probinsya na pigilan ang pag-areglo sa kaso ng panggagahasa sa mga batang katutubo.
Batay sa kanyang pahayag sa social media kasabay ng pagdiriwang ng Children’s Month Celebration kung saan nagsagawa rin ito ng leadership training at basic parliamentary procures sa mga batang opisyal ng lalawigan.
*“𝗥𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻* *𝗘𝗻𝗷𝗼𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴* *𝗜𝗣* *𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝘀* *𝗻𝗼𝘁* *𝘁𝗼* *𝗦𝗲𝘁𝘁𝗹𝗲* *𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿* *𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗮𝗿𝘆* *𝗟𝗮𝘄𝘀* *𝗮𝗻𝗱* *𝗣𝗿𝗮𝗰𝘁𝗶𝗰𝗲𝘀* *𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱* *𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲* *𝗮𝗻𝗱* *𝗥𝗮𝗽𝗲* *𝗖𝗮𝘀𝗲𝘀* *𝗶𝗻𝘃𝗼𝗹𝘃𝗶𝗻𝗴* *𝗜𝗣* *𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻* *𝗶𝗻* *𝘁𝗵𝗲* *𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗲* *𝗼𝗳* *𝗡𝘂𝗲𝘃𝗮* *𝗩𝗶𝘇𝗰𝗮𝘆𝗮**”.*
Inihayag ni BM Pinao-an-Lejao na nakakaalarma na ang dumaraming kaso ng pang-aabuso at panggagahasa sa mga batang katutubo kung saan nauuwi lang sa areglo dahil umano sa pakikialam ng mga lider ng katutubo.
Ayon sa opisyal, kinakailangang hindi mapanghinaan ng loob para maipatupad ang hustisya sa mga biktima ng krimen.
Sa mga nakalipas na pulong ng Provincial Sub-Committee for the Protection and Welfare of Children, iniulat ng pulisya ang pagtaas ng kaso na nauuwi sa areglo ang mga nagawang krimen sa mga batang katutubo sa pamamagitan ng tinatawang na ‘tungtungan’ system ng mga matatanda.
Ang mga kaso ng panggagahasa ay kalimitang naitatala sa mga upland communities.
Nabatid na ang salitang ‘tungtungan’ system ay paraan para maresolba ang mga nagawang krimen sa isang batang katutubo kabilang ang mga IP member sa pamamagitan ng monetary compensation at iba pa.