Board of Canvassers, walang nakitang discrepancy sa resulta ng plebisito sa Cotabato City

Cotabato – Lumabas sa pag-audit ng National Plebiscite Board of Canvassers na walang discrepancy sa resulta ng plebisito sa Cotabato City.

Ang tanging nakita ng board of canvassers na discrepancies sa bilang ng registered voters at sa aktwal na bilang ng mga bumoto sa Cotabato City, ay sa incomplete entries lamang sa forms na ginamit.

Gayunman, nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ito ay maituturing lamang na “formal defect” at wala itong magiging epekto sa canvassing


Inanunsyo naman ng board of canvassers ang resulta ng plebisito sa Cotabato City kung saan 36,682 ang Yes habang 24,994 ang No.

Sa lalawigan naman ng Basilan, 144,640 ang Yes votes at 8,487 ang No votes.

Sa ARMM, ang Yes votes ay umabot sa 1,540,017; habang ang No votes ay 198,750.

Facebook Comments