Board of Directors ng Maharlika Investment Corporations, target makumpleto sa Setyembre; IRR ng MIF, isinasapinal na lang

`Inaasahang makukumpleto na sa Setyembre ang Board of Directors ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na mangangasiwa sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sasailalim sa mahigpit na screening process ang mga itatalaga sa MIC.z

Bilang Secretary of Finance, si Diokno ang magsisilbing chairman ng Board of Directors.


Pero paglilinaw ng kalihim, hindi niya ima-manage ang pondo.

Kakatawanin lamang daw niya ang gobyerno lalo’t government assets ang pamamahalaan sa ilalim ng MIF.

Nasa 125 billion pesos ang inisyal na pondong pangangasiwaan ng MIC mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Palalaguin ito sa pamamagitan ng pag-i-invest na siya namang gagamitin bilang karagdagang pondo sa mga proyekto ng gobyerno.

Samantala, nasa final stages na rin ang pagbuo ng implementing rules and regulations o IRR ng MIF na target matapos bago ang katapusan ng Agosto.

Facebook Comments